Sa unang pagkakataon, isang Pilipinong internasyonal na mag-aaral na mula sa sektor ng mga kursong bokasyonal at TAFE ay miyembro ng mga opisyal ng CISA. Siya ay si Paula Josefa Subido mula sa Canberra Institute of Technology at siya ang kasalukuyang National VET/TAFE Officer ng CISA.
Hinihikayat niya ang lahat ng mga estudyante sa sektor ng VET at TAFE at ibang pang-kolehiyong sektor na aktibong makibahagi sa konseho na nakikipag-ugnayan sa mga internasyonal na mag-aaral at mga isyu na nakakaapekto sa kanila.