Highlights
- Ang iron deficiency anemia ay ang pinaka-karaniwang na dahilan ng anemia sa mundo
- May mga paraan upang ma-boost ang iron sa katawan at maiwasan ang sintomas
- Mahalaga ang pagkain ng mga iron-rich food o pag-supplement ng iron tablets upang mapanatili ang iron levels sa katawan
Ang iron deficiency anemia ay ang kakulangan ng iron sa katawan. Ang iron ay isang mahalagang mineral na kailangan ng ating katawan ayon kay Doctor Angelica Logarta-Scott.
"Iron support the development of red blood cells and hemoglobin sa ating dugo. Ang hemoglobin is yung protein sa ating dugo na responsible to carry oxygen through our body. Ang iron deficiency anemia ay ang pinaka-common na dahilan ng anemia sa mundo."