KEY POINTS
- Walang eksaktong tuntunin sa pag-aayuno sabi ng GP Specialist na si Angelica Scott ngunit mariing inirerekumenda niya sa mga gustong sumubok nito na dapat gawin kung ano ang sustenable para sa kanila.
- Ang Intermittent Fasting ay may mabuting benepisyo batay sa mga pag-aaral tulad ng pagbaba ng timbang, pagbaba ng pamamaga, maayos na pagtulog at mas maraming enerhiya.
- Wala pang nakatakdang mga alituntunin sa pag-aayuno ayon kay Dr Scott at idinagdag niya na ang ilan ay may posibilidad na kumain nang labis pagkatapos ng mga panahon ng pag-aayuno, habang ang iba ay nakakaranas ng mental fog, heart burn, sakit ng ulo o cravings sa pagkain.
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa panayam na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong GP o doktor tungkol sa mga usaping pang-kalusugan.