Key Points
- Si Kareem Acdal ay limang taong gulang pa lamang nang magsimulang kumanta, at nagmula siya sa isang pamilyang may hilig at talento sa musika sa Gingoog City sa Pilipinas.
- Bago pa siya dumating sa Australia noong 2017, pangarap na niyang maging isang busker.
- Bawat estado at teritoryo sa Australia ay may kanya-kanyang patakaran pagdating sa busking.

Si Kareem Acdal, tubong Gingoog City at dugong musikero, ay limang taong gulang nang magsimulang kumanta.
Ngayon sa Ipswich, Queensland, pinagsasabay niya ang trabaho at busking, kung saan ibinibida ang OPM at mga klasikong awitin.
Para kay Kareem, ang musika ay hindi lang libangan kundi paraan para magbigay saya at pag-asa sa iba, at patunay ng makabuluhang buhay.
Bilang busker, maraming hamon ang hinarap ni Kareem sa kalsada, pero itinuturing niya ito bilang paraan para maging matatag at makalikom ng mga karanasang bahagi ng kanyang buhay musikero.
A senior once shouted at me, someone threw rubbish, and someone even stole money from my guitar case. But what truly touches me are the moments my music moves people—an elderly man cried, others remembered their parents, and one said, 'Mate, you did a great job.Kareem Cabriole Acdal, Busker in Queensland

Dahil sa kanyang talento, madali siyang nakilala at aktibo siya sa mga kaganapan sa komunidad.

📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino
or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.










