Key Points
- Sa survey ng GetApp, isang online resource company, 53 % ng mga small-medium enterprises (SMEs) sa Australia ang nagpa-planong palakihin ang kanilang badyet para sa social media nitong taong 2023.
- Bagaman handa ang maraming negosyo na gumastos para sa kanilang digital media marketing, hindi naman lahat ay pamilyar sa paggamit nito.
- Tumutulong ang mga digital marketing consultant, tulad ni Mark Flores, sa paghahanda ng mga negosyo ng kanilang promosyon online.
'Digital marketing'
Sa panahon ngayon na kaliwa't kanan ang mga online platforms, maraming mga negosyo ang sinasamantala ang paggamit ng digital marketing para ipakilala ang kanilang produkto at serbisyo, hangad na mapalago ang kanilang negosyo.
Napag-alaman sa isang kamakailang survey na ginawa ng GetApp, isang online resource company, na 53 % ng mga tinanong na small-medium enterprises (SMEs) sa Australia ang nagpa-planong palakihin ang kanilang badyet para sa social media nitong taong 2023.

Mark Flores works with business leaders to create their digital marketing needs. Credit: Falcon Creative
Ang 'digital marketing', na tinatawag ding online marketing, ay isang paraan para sa promosyon ng isang brand o negosyo para maka-ugnay sa mga potensyal na customer gamit ang internet at iba pang anyo ng digital na komunikasyon tulad ng social media.
"It's really about attention. That's what social media is. The first step is you bring awareness and attention to your brand," bigay-diin ni Mark Flores, isang video producer & strategist at digital marketing consultant.
Dahil sa patok ang social media at halos lahat ng tao ay kumukuha ng impormasyon online, sinabi ni Mark Flores, founder ng Falcon Creative, na magandang oportunidad ang paggamit ng digital marketing para sa mga negosyo para palawakin ang kanilang maabot na bilang ng tao na posibleng maging mga customer.
Tips para sa negosyo
Para sa mga negosyo na handa na mamuhunan sa paggamit ng digital marketing, pinaka-mainam na humingi ng tulong sa mga eksperto dito lalo na kung hindi pamilyar sa teknolohiya at social media.
1. Mag-pokus sa iyong branding
Payo ng digital marketing consultant na si Mark Flores na unang bigyang-pansin ang branding o sa tatak ng negosyo.
"You're branding is different from your marketing. Your branding is all about getting a professional logo, your website, getting your colour schemes.
"Apart from the brand elements, branding is the promise of an experience you are giving to someone."
2. Kilalanin ang iyong customer
Mahalaga ani Mark Flores na alam mo kung sino ang iyong target na mamimili.
It's important you understand who you want to attract - not everyone, but that specific customer or client.
"One of the best things to do is to interview people, and have chats with them. Get to know them and the words they use, instead of you guessing what they say."
Binanggit din ni Mark kung bakit importante para sa mga negosyo na kilalanin ang kanilang customer at mga pangangailangan ng mga ito.

"Once you really understand their needs, desires, and challenges, that's the foundation you will use for your branding and marketing," Mark Flores says on businesses leveraging on digital marketing. Credit: Falcon Creative
Dagdag niya na kapag nakilala mo ang iyong customer, mas makakagawa ka ng mensahe na gusto mong ipaabot sa kanila para tangkilikin ang iyong negosyo.
"More importantly, crafting your market message. When you know who your specific customer or client is, and start understanding from their point of view, you'll be able to create a marketing message that will hit your customers' hearts."
4. Tumutok sa iyong layunin
Sa pagtutok mo sa iyong negosyo, hindi lamang ito dahil sa hilig mo at gusto mong kumita, kundi iisipin mo kung paano mo maibibigay sa iyong customer ang kailangan nila syo.
"You shift from your passion to focusing on other people's passion.
"You want to provide what your clients need and what they love to do. Your offer, the solution that you provide is really solving a problem."
5. Piliin ang gagamiting platform
Sa paghahanda para sa inyong digital marketing, malaking bagay din ang iyong gagamiting online or social media platform.
"One is where you tell your story. It's about creating stories that people resonate with and want to share with other people."
"Two, find a social media platform that you think will help you with your goal.
"It could be just focusing on Youtube or if you already got an audience on your Facebook, or it might be on Instagram."
"Focus on only one or two platforms and try to build momentum on those platforms, instead of doing everything all at once."