HIGHLIGHTS
- Nag-introduce si Attorney-General Vickie Chapman ng panukala na dalawang taong pagkakakulong para sa mga susuway sa batas na inilaan para sa pagsugpo ng COVID-19
- Haharap sa on the spot fine na $1,000 ang sinumang susuway sa batas tulad ng pagpasok sa border ng South Australia mula Victoria kung hindi isang local o essential traveller at posibleng multa na ipinatupad ng korte na $20,000
“The safety of South Australians is our utmost priority and we hope the addition of a term of imprisonment will deter anyone thinking about crossing the border illegally and putting our state at risk.”
Ito ang sinabi ni Attorney-General Vickie Chapman matapos ang pakikipag-usap kay Police Commissioner Grant Stevens ukol sa pagpapalakas ng parusa sa mga susuway sa batas.
- Magpapahintulot din sa mga pharmacist ang panukala na magtakda ng mga COVID-19 test at mag-charge ng $3,000 ang gobyerno para sa mga byaherong kailangan mag-quarantine sa mga hotel


