Key Points
- Ayon sa Pangulong Marcos , mahalaga ang suporta ng Japan habang bumabaybay ang Pilipinas sa mga hamon a South China Sea.
- Mayroon din ilang bilyong pisong halaga ng pangakong pamumuhunan mula sa mga kumpanya ng semi conductor sa Japan.
- Pumirma ang Pilipinas at Japan sa mga memorandum of agreement sa Agrikultura at ICT
Sa ibang balita, sa Turkiye, dalawang Pinoy ang nasugatan sa lindol, pero nasa maayos namang kundisyon habang apat na Pilipino naman ang patuloy pang pinaghahanap.
Iniulat ng Department of Migrant Workers na may natatanggap silang ulat mula sa Ankara na bagaman wala namang mga Pilipinong nasawi o malubhang napinsala ng lindol, mayroong mga Pinoy na sinasabing na-ospital. May 77 Pilipino sa Turkiye ang kanilang mino-monitor ngayon.
Maaari namang makauwi sa pamamagitan ng repatriation program ng gobyerno, ang mga Pilipinong gustong umuwi sa Pilipinas, dahil nawalan ng trabaho duon dulot ng pagkasira ng mga istraktura mula sa lindol.