Noong 2014, inimbeta ang Filipino-American na direktor na si PJ Raval sa Pilipinas upang ipalabas ang mga dokumentaryo niya sa Pink, isang international LGBT film festival na pinamunuhan ng film scholar na si Nick de Ocampo.
Noong panahon na iyon, may dalawang pibotal na insidente na nangyari sa komunidad ng LGBT – ang pinakauna-unahang Quezon City Pride celebration, at ang pagpatay sa transwoman na si Jennifer Laude. Habang kagalakan at pagsasaya ang nangyayari sa isa, pagluluksa at galit ang nanunuot sa kabila.
Pinatay ang kinalalang sex worker na si Jennifer Laude ng 19-na-taong gulang na US Marine na si Joseph Pemberton pagkatapos nitong nadiskubre na isa siyang transwoman habang nakikipagtalik ito dito.
Naging bahagi ng kwento ni Ms Laude si Mr Raval pagkatapos nitong makilala si Virginia Lacsa Suarez , ang abogado ng pamilyang Laude, sa isang LGBT panel. Minungkahi si Mr Raval ng isang miyembro ng panel na isa-pelikula ang buhay ni Jennifer; subalit, nag-alangan siya dahil hindi siya lumaki sa Pilipinas.
Lumaki si Mr Raval sa central California. Buong buhay niya, pinaligiran siya ng mga puti; at kahit pakiramdam niya na siya’y taong labas, wala siyang masyadong alam tungkol sa pagiging Pilipino. Subalit, ang alam niya sa pagiging Pilipino ay ang pagbibigay halaga sa pamilya; at ayon sa kanya, ang paggawa ng isang pelikula “could be my contribution to help the family seek some sort of justice in this case.”
Doon niya pinagpasyahang gawin ang dokumentaryo niyang “Call Her Ganda”.
Sa paggawa ng pelikula, hindi lang niya naintindihan ang ibig sabihin ng pagiging trans, naintindihan din niya ang lakas ng isang Pilipina at ng pamilyang Pilipino.
Saad ni Mr Raval na nakilala niya ang ina ni Ms Laude, na tinatawag niya ring “Nanay”. Kay Nanay, nalaman niya ang tunay at walang-humpay na pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak. Nung umpisa pa lang, tinanggap ni Nanay na babae si Jennifer.
“At the end of the day, realistically, it is a story about a mother who lost her child….I think anyone can relate to that,” sabi ni Mr Raval.
Sa kasalukuyan, ninanais ni Mr Raval na ipalabas ang kanyang pelikula sa Estados Unidos, Pilipinas at sa buong mundo.