Highlights
- Kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga coffee producers at iba't-ibang klase ng kape ang tumutubo dito
- Layon ng coffee lovers at barista na sila Rodney at Rocelle na maipakilala sa Australia ang kapeng gawa sa Pilipinas
- Naisipan nilang bumuo ng grupo para maibahagi ang kanilang kaalaman at maipakita ang suporta sa mga coffee farmers sa Pilipinas
Ang 'Kape Serye' ng SBS Filipino ay koleksyon ng mga sulatin kung saan bida ang mga Filipino-owned cafés; tampok din ang mga Filipino barista, producers, distributors at coffee aficionados; at siyempre, ang Philippine-grown coffee bean.
Kulang ang gising kapag walang kape sa umaga. Matamlay ang araw kung hindi nakapagtimpla.
At hindi solved ang pagpupuyat kung hindi nakahigop ng isang punong tasa.
Ganyan ang pakiramdam ng maraming coffee lovers na tulad ng mga Filipino Australian baristas na si Rocelle Tulloch at Rodney Reyes.
Bata pa lang, nahumaling na sila sa sarap ng inuming kape at maging sa paraan ng pagtitimpla nito.
Kwento ni Rodney, ang perfect combination na sinangag at kapeng barako sa umaga ng kanyang lola ang naging simula ng kanyang pagkahilig dito.
Bilang barista, itinuturing naman ni Rocelle na meditation ang pagtitimpla ng masarap at mabangong kape.
"I fell in love with the discipline of it all and you have to pay attention to every little detail."
"There's an art in making coffee, it's cliche but there is."
Sa dami ng klase ng kape na kanilang natikman, tila may kulang daw sa mga ito.

Rocelle Tull and Rodney Reyes on a coffee cupping event (Coffee ni Juan) Source: Grace Mantilla
Ayon sa kanila, iba ang hatid na pride kapag ang iniinom ay ani ng magsasakang Pilipino.
"We really want to highlight Philippine coffee because we are trying to encourage current and future generations of coffee farmers to keep going."
"It maybe hard but at the end of the day if we can build up a market for Philippine coffee through education and highlighting their stories through our platform, that will be incredible for us to achieve," ayon kay Rodney.
Kaya naisip nilang bumuo ng isang samahan na handang magbigay kaalaman tungkol sa kapeng mula Pilipinas at mga oportunidad nito sa merkado.
"Our group's name is ALT Coffee Beans or Alternative Coffee Beans"
"A lot of different nationalities have their own coffee community and there's no Filipino coffee community that we could see [in Australia] so jokingly, Rocelle asked me if we can make our own and I said, "Why not?" kwento ni Rodney.
Dagdag ni Rocelle, "We don't want to keep it with just Filipinos and we want to welcome everybody."

Alternative Coffee Beans coffee cupping event Source: Grace Mantilla
Coffee cupping session
Sa unang pagkakataon nagsagawa ang grupo ng coffee cupping session na ginanap sa Kleinne Avree Café & Filipino Restaurant nitong Hunyo. Katuwang ni Rodney ang asawang si Grace at mga kaibigan sa pag-aasikaso ng mga aktibidad.
Tampok dito ang mga Arabica coffee mula tatlong coffee farm sa Pilipinas. Sa paraang ito inaalam at hinuhusgahan ang tapang, amoy at lasa ng kape.
Isa si Timothy Cabrera sa nakilahok sa coffee cupping.
"It was really good. It's the first time I've done coffee cupping. Understanding the flavours is kind of a new experience. The fact that it's Filipino coffee makes me want to support it even more."
Hindi naman akalain ni Monique Shippen na isa rin sa dumalo na maraming klase ng pagpoproseso ng kape.
"You don't find Filipino coffee around here in Australia so it's nice that we can bring some Filipino beans. The different processes on how the coffee is made is so interesting."
Ayon sa grupo, may iba’t ibang paraan ang bawat farm sa pagproseso ng mga butil ng kape tulad ng washed, natural o dry process at pulped o honey process. Sa mga prosesong ito nagkakagawa ng sari-saring flavour.

Arabica Coffee Beans from the Philippines Source: Alternative Coffee Beans
Para sa Alt Coffee Beans, mahalaga na maipa-alam sa bawat umiinom kung saan ito nagmula at kung sino ang mga taong bahagi ng matagumpay na produksyon sa likod ng bawat mainit na tasa ng kape na ating ini-enjoy.

Coffee farmers from the Philippines Source: Alternative Coffee Beans/Kalsada Coffee
Tangkilikin ang sariling atin
Taong 1880 nang yumabong ang produksyon ng kape sa Pilipinas partikular sa Batangas. Ginto kung ituring ang mga butil noon na syang ineexport sa maraming bansa.
Pero kalaunan ay tinamaan ng peste ang mga kapehan na syang nagpabagsak ng industriya nito. Mula noon, nahirapang bumangon sa pagkalugmok ang mga magsasaka.
Hanggang ngayon ay ramdam pa rin ang pagkalugmok ng kabuhayan ng mga coffee farmers.
"From our recent research, we have seen a decline on the coffee bean produced from the Philippines and there's a lot of factors contributing to it. The farmers themselves aren't earning enough and they would want to switch to crops that could help support their families."
"And also there's not enough pride to it. They think that it's just hard labour and hard work to be a farmer because there's not enough incentive for them."
Nais ng mga tulad ni Rodney at Rocelle na tulungan ang mga kababayan at muling itaguyod ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng edukasyon at pagpapakilala ng Philippine Arabica coffee sa Australia.

Rodney and Ernest (coffee roaster) at St Dreux Coffee Source: Grace Mantilla
At dahil hindi lang isa kundi apat na klase ng kape ang tumutubo sa Pilipinas, naniniwala silang muling magigising ang ipinagmamalaking produkto sa merkado.
Kaya hiling nila, tangkilin din ng mga Pinoy ang sariling atin at muling painitin ang produksyon ng kapeng Pilipino.
BASAHIN/PAKINGGAN DIN