Ngayong araw ay inalala ng Filipino community sa Australia ang kaarawan o 163rd birthday ng pambansang bayani na si Jose Rizal. Kasabay nito ay ang paglunsad ng mas pinagandang Rizal Park sa Invermay Park, Ballarat.
KEY POINTS
- Matapos ng ilang taon na negosasyon at pakikipag-usap sa Ballarat council ng konsulado ng Pilipinas, nakaangat na ang commemorative plaque ni Jose Rizal kung saan nakasulat ang mga impormasyon tungkol sa kanya.
- Dinaluhan ng mga Rizalista, Filipino community groups, Philippine Consul-General Maria Lourdes Salcedo, kawani ng konsulado, at Dr. Allan Terret na instrumento ng pangangampanya ng pagtayo ng Rizal Park.
- Ika-25 taon simula ng tinayo ang Rizal Park sa Ballarat, ang pinaka-unang Rizal Park sa Southern hemisphere. Mayroon ng limang Rizal Park sa NSW at isa sa Victoria.

Share





