Paglilinis, pagre-recycling, pagbebenta online ng mga second hand items -ilan lang sa mga diskarteng ginagawa ni Mae Schame Areola Lollback kaya mula noong dumating ito sa Australia taong 2016 mayroon silang halos 20 property na naipundar sa bansa, hindi pa kasama ang kanilang ari-arian sa Pilipinas.
Key Points
- Katuwang ang asawang si Terence pinagsasabay sa trabaho sa mall ni Mae Schame Areola Lollback ang pagre-recycling, pagbebenta ng second-hand items online at cleaning sa Brisbane.
- Naging masinop din sa paggastos ng pera ang mag-asawa, habang sinisimulan ang property investment, naging paboritong pinpuntahan nito ang mga second-hand shops.
- Malaking impluwensya sa pagiging business-minded ni Mae ang negosyanteng mga magulang sa Pilipinas.
Share





