Key Points
- Lubos ang pasasalamat ni Donald Trump sa pagbati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
- Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, binati ni Pangulong Marcos si Trump sa pamamagitan ng SMS.
- Nagwagi ang ilang Filipino American sa 2024 US Presidential elections.
Ang Fil-Am na si Steven Raga, muling nahalal para sa ikalawang termino bilang kinatawan ng district 30 sa Queens County, New York Si Raga ang unang Filipino American na nahalal sa New York State Assembly.
Sa Wisconsin, nakakuha ng pwesto sa State assembly ang Fil-Am na si Angelito Tenorio
Ang dating alkalde ng Sacramento na si Christopher Cabaldon, nakatakdang maging unang Filipino-American na nahalal sa California State Senate bilang Kinatawan ng District 3
sa Los Angeles, si Attorney Ysabel Jurado ang unang Filipino American na nahalal sa Los Angeles City Council
Nagtagumapy din si Juslyn Manalo sa kanyang muling pagtakbo bilang Alkalde ng Daly City sa California
Habang, malaki naman ang tiyansa ni Jessica Calazo, na tumakbo bilang Kinatawan ng District 42 sa California.

Charles Darwin University in Australia is hosting Indigenous leaders from the Philippines for a four-week workshop, field visits, and knowledge exchange on wildlife and biodiversity conservation. Credit: Australia in the Philippines / Australian Embassy in the Philippines
Samantala, tuloy ang paglalim ng ugnayan ng Pilipinas at Australia sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto at inisyatibo.
Tumutulong ang Australia sa pag-develop at pag-protekta sa mga lupain ng mga katutubo sa Pilipinas.
Para linangin ito, ipinadala ng gobyerno ng Australia ang ilang mga lider ng mga katutubo sa Pilipinas sa Australia, para lawakan ang kanilang kaalaman at exposure sa pag-aalaga sa kalikasan.
Ang Charles Darwin University sa Australia ang nag-host, magtuturo at magsasanay sa mga lider-katutubo ng Pilipinas, sa ilalim ng hashtag australia awards fellowship.
Sasailalim sila apat na linggo na workshop, field visit at knowledge exchange sa wildlife at biodiversity conservation.




