Key Points
- Kontrolado ng retail giant na Bunnings ang 70 porsyento ng plant market at walang ibang mapagpipilian ang mga consumer. Pinangangambahan na may negatibo itong epekto sa mga suppliers ng halaman sa bansa.
- May humigit-kumulang na 25,000 katao ang nagtatrabaho sa greenlife sector, at ang karamihan ng mga halamang itinatanim ay nauuwi sa Bunnings.
- Itinutulak ng Greenlife Industry Australia, ang pangunahing ahensya ng industriya na kumakatawan sa mga komersyal na nagtatanim ng mga halaman, na maisama ang Bunnings sa Food and Grocery Code of Conduct.