Sa edad na isang taong gulang may tono na kapag kumakanta hanggang natutong tumugtog ng piano at trumpet sa edad na 3 si Juanito Reinelle Collantes. Sumali na siya sa maraming performances hanggang napasama siya sa Australian Children's Choir.
Key Points
- Ang 14 na taong gulang na si Juanito Reinelle Collantes ay solong anak ng pharmacist na si Lili-Anne at engineer Reinhold Juan Collantes sa Melbourne. Maliban sa pagkanta, magaling ding tumugtog ng piano at trumpet si Juanito, namana niya ito sa pamilya ng ina na musically inclined. Nakuha naman ni Juanito sa ama ang katalinuhan at may positibong pananaw sa buhay.
- Bukod sa pagiging musician, magaling din ito sa academic, isa din itong student leader at altar server. Ayon sa binatilyo, ang pagkanta at pagtugtog ay kanya lamang libangan dahil tutok ito sa pag-aaral.
- Ayon sa mag-asawang Collantes, maliban sa suporta sa pag-aaral, musika at sports nilalapit nila sa simbahan at buhos ang panalangin sa anak para lumaking mapagkumbaba at higit sa lahat may pananampalataya sa Diyos.





Share





