Nasa Australia si King Charles at Queen Camilla para sa kanilang royal tour. Ito ang ika-17 na pagbisita ni King Charles sa Australia ngunit unang pagbisita bilang hari. Ito din ang unang pangunahing byahe ng King simula nang ma-diagnose siya ng cancer kaya mas maikli ito.
KEY POINTS
- Pumunta ang royal couple sa Australian War Memorial at Parliament kung saan sinalubong sila ni Prime Minister Anthony Albanese kasabay ng 21-gun salute.
- Sinalubong ng protesta ang royal couple. Isa sa nagdaos ng protesta ay si independent Senator Lidia Thorpe.
- Babalik ang royal couple sa Sydney ngayong araw kung saan makikipagkita sila sa mga tao at dadalo sa isang naval fleet review.
Share





