Mahigit 4,000 sa mga pinakamahusay na mananayaw sa mundo ang magsasama para sa World Hip Hop Dance Championship, isang kaganapan na totoo sa tunay na halaga ng kultura ng hip hop. Ang mga Crew at MegaCrew mula sa mahigit 50 bansa ay makikipagkumpetensya sa walong araw na pangyayaring ito upang makuha ang pandaigdigang titulo at mga internasyonal na karangalan habang magtatanghal ang mga icon ng hip hop, mga artist at mga kilalang personalidad.
Ang vibe ng pamilya at ang walang pasubaling pag-ibig ay mga bagay na natatangi para sa grupo mula Kanlurang Sydney na Kingdom Culture Company. Tulad ng sinabi ng isa sa mga nagtatag sa grupo na si Bia Navarro, "the vibe that we bring to any location we are at, as well as the chemistry that we have with each team member and we like to call ourselves - family."
Kinausap namin si Bia Navarro at dalawang iba pang miyembro - sina Joy Laquian at Primrose Halai - tungkol sa inspirasyon ng KCC at kung ano ang inaasahan nila sa kanilang internasyonal na kumpetisyon.