Ibinahagi ni G. David Park, manedyer ng ugnayang pang-medya at mga kaganapan ng 'Korean Cultural Centre Australia', ang ilan sa mga tradisyong ito (at masasarap na pagkain) tuwing ‘Lunar New Year'.
1. Charye
Ito ay makalumang ritwal na binibigyang-pugay ang mas nakatatandang henerasyon. Ito ay malapit na inu-ugnay sa tatlong araw na selebrasyon ng ‘Lunar New Year’.
Ang mga miyembro ng pamilya ay yumuyuko ng sunud-sunod mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata sa harapan ng lamesang puno ng pagkain at mga insenso. Ito ay pinaniniwalaang paraan para patuloy na pagpalain ng mga nakatatanda ang isang pamilya.

Incenses are used during Charye ceremony (Pixabay) Source: FreeImages
2. Hanbok
Ito ay tradisyunal na kasuotan ng mga Koreano na ang ilan sa mga pamilyang Koreano ngayon ay sinusuot partikular sa mga ispesyal na okasyon tulad ng 'Lunar New Year'.

Hanbok, a traditional Korean garment worn on special occasions such as the Korean New Year (Pixabay) Source: FreeImages
3. Jeon
Ito ay isa sa pinaka-popular na pagkain tuwing panahon ng bagong taon. Ito ay parang isang malasang ‘pancake’ na maaaring ang sahog ay karne ng baboy o manok, isda, ‘seafoods’ o ‘kimchi’. Maging anuman sa mga sahog na ito ay babalutan ng itlog o harina bago ito pirituhin.

Kimchi pancake (Pixabay) Source: FreeImages
4. Tteokguk
Isang tradisyunal na pagkaing Koreano sa panahon ng pagdiriwang ng ‘Seollal’. Ito’y kilala rin bilang ‘rice cake soup’ dahil ito ay isang ‘rice soup’ na may manipis na hiniwang ‘rice cake.’
Mayroong mga sabi-sabi na kapag naubos mo ang isang ‘rice cake soup’ sa umaga ng bagong taon, ay tatanda ka ng isa pang taon. Ang pagtatanong na, “Ilang mangkok ng Tteokguk ang iyo ng naubos?” ay nangangahulugang “Ilang taon ka na?”.

Rice Cake Soup (Korean Cultural Centre Australia FB page) Source: Facebook
5. Yut Nori
Ito ay tradisyunal na ‘board game’ na masyadong popular sa panahon ng Seollal. Ang ma-istratehiyang laro na ito ay gumagamit ng ‘yut-sticks’ bilang ‘dice’. Ang mga pamato ay kumikilos at sumusulong sa paligid ng ‘board’ depende sa puntos na mula sa itinirang ‘yut-sticks’.
6. Sebae
Ang mga bata na nakasuot ng tradisyunal na damit ay yumuyuko sa mga nakatatanda para ipakita ang kanilang paggalang. Ang mga nakatatanda ay ginagantimpalaan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng salapi. Kung ikaw ay mas bata, mas marami kang salaping makukuha.

Babies wearing the traditional Korean garment, Hanbok Source: Pixabay
Ibinahagi ni G Park na ang pagdiriwang ng bagong taon ng mga Koreano ay naiiba sa pagdiriwang ng ibang komunidad ng ‘Lunar New Year’ sa aspeto ng ritwal, tradisyon at mga pagkain. Ngunit mayroon ding pagkakapareho.
“I think even Vietnamese, Chinese and other countries that celebrate Lunar New Year have the similarities in the distinctness; and that I guess, in sharing the sentiments of family and sharing the sentiments of spending the festive time with loved one.”
“I find this as a very core element which resonates with all countries that celebrate Lunar New year,” kanyang pagbabahagi.

Korean family enjoying their time together (Pixabay) Source: FreeImages
Pakinggan ang buong panayam.