Binili ng aircraft engineer Paulo Paniel na taga-Canberra, ang tatlong dekada nang negosyo ng towbar noong 2018, bagay na humimok sa kanya na magkaroon ng dokumentasyon at checklist ng trabaho para makasiguro na hindi siya madadaya ng ibang kliyente.
Key Points
- Ayon sa Australian Automotive Aftermarket Association (AAAA), ang merkado ng 4WD ant towing accessory market ay tumatabo ng $6 billion na industriya at sumusuporta ng 2,000 negosyo at nagbibigay ng trabaho sa higit 70,000 Aussies.
- Sabi ni Paniel, lumampas ng $200,000 ang pondo sa pagbili ng 'Towbar Discounts,' dala na rin ng legal fees, exclusive suppliers at ang matagal nang listahan ng client base.
- Ayon kay Paniel, ang mga hamon sa pagpasok sa ganitong industriya ay ang mga maling vehicle damage claims, at ang teknikal na kaalaman sa pag- service sa electric vehicles, na kalimitan ay ginagawa ng kanyang kumpanya.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.
Ang mga impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa mga eksperto sa usaping negosyo, legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.





