Key Points
- Sa 2021 sensus ng Australian Bureau of Statistics (ABS), nasa 450,000 ang registered nurses at midwives sa buong Australia – ito ang pinakamalaking clinical workforce sa bansa. 260,000 sa mga ito ay registered nurses.
- Sa Pilipinas, ayon sa Professional Regulatory Commission (PRC), nasa 951,105 ang registered nurses pero tanging 53.55 % (o 509,297) lamang ang aktibo sa mga ito.
- Patuloy ang pangangailangan sa mga nars sa Australia, at tinatayang aabot sa higit 100,000 ang kakulangan sa nurses pagsapit ng taong 2025.