Kwento ng pagmamahal sa mga aso, hirap at responsibilidad

PET CARE IN AUSTRALIA

Source: GETTY IMAGES

Itinuturing na kapamilya ng karamihan sa Australia ang mga alagang aso. Sa oras kasi na mag desisyon ka ng mag-alaga nito kailangan mo ibigay ang pag -aruga, oras at pagmamahal, responsibilidad at commitment.


Marso nang nakaraang taon nang dumating sa Australia ang pamilya ni Danilo Cabrera mula Batangas.

Sa pag -alis nila ng Pilipinas naiwan nila ang pinaka mamahal na aso ng trese anyos nilang anak na si Shane, si Daimos. Dahil sa pag-alis nila, naglungkutin daw ang aso at namatay.

Dinamdam ito ni Shane, kaya para maibsan ang lungkot ibinili nila ito ng tuta isang beagle sa halagang $2,600. Hindi nila akalain na ganun pala kamahal mag-alaga ng aso dito, ika nga parang may isa kang anak na nag kokolehiyo sa laki ng gastos.
beagle
Source: Getty Images
Mula sa malambot na kutson, kainan, inuman ng tubig, kulungan, mga damit at mga laruan lahat ibinigay nila sa asong si pink. Puyat din gabi -gabi si shane at si danilo dahil kailangan nila itong turuan umuhi at dumumi sa tamang oras at lugar. Kailangan iparehistro, at palagyan ng microchip para kung sakali na mawala ang aso ay alam kung sino ang may-ari.

Nariyan din ang regular na turok at iba pang gamot para hindi magkasakit. Sapat na pagkain at tubig araw- araw, kasama ang exercise o palagiang inilalakad.

Malaking kaibahan daw kasi ang pag-aalaga dito kumpara sa Pilipinas. Aminado siyang tila nagkaroon muli siya ng panibagong responsibilidad bagay na pinagkibit balikat na lamang niya ang mahalaga aniya ay masaya ang kanyang anak na nag sisimula pa lamang mag-adjust dito sa australia.

 Lingid sa kaalaman ng iba, pinapayagan din ang simunan na mag file ng leave of absence sa trabaho kung sakaling magkasakit o mamatay ang alagang aso.

Kalimitan ay katabi nila ang mga aso sa pagtulog, kaya naman ang iba tumataas ang kilay, at napapabulong na nakakaya ba nilang tiisin ang amoy nito sa kanilang mga kama at silid kasama na rin ang mga dumi at nalagas na balahibo.

Pero sabi nga, anak o kaibigan ang turing nila sa kanilang mga alaga kaya tanggap nila ang lahat lahat sa kanila.wala din rabies ang mga aso dito.
PET CARE IN AUSTRALIA
Source: Getty Images
Ang nurse na si Angel Manalo, nabigla sa ipinagtapat ng kanyang kasamahan sa trabaho, namomroblema daw kasi ito sa pera dahil kailangan niyang ipagamot ang aso na tinubuan ng kanser. Para maipagamot ay nag loan ito ng halagang $3,000 para sa operasyon, bagay na labis niyang ikinabigla dahil sa pagmamahal ng mga ito sa kanilang mga alagang aso.

Nariyang nakaalalay din ang ibat ibang organisasyon tulad ng RSPCA o ang Royal Society for the Prevention of Cruelty to Animals na sumusuporta sa pag aalaga o tagapagtangol ng mga hayop kabilang ang pusa, manok, baboy, bibe, kabayo at maging kuneho.

Sila ang nag iimbestiga sa mga kaso ng pagmamalupit sa hayop, regular na nag- iimbestiga kung ang mga hayop sa mga circus ay may dokumento at walang pang-aabuso na nagaganap, nag aampon ng mga inabandonang hayop at nag- bibigay ng impormasyon sa mga nais na naman na mag-anpon.

Sa mga mapapatunayang nag malupit sa mga hayop, pagkakakulong at multa ang iyong kakaharapin.

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand