Hindi lamang sa Pilipinas ramdam ang panawagan para sa pananagutan sa harap ng mga anomalya sa flood control projects at korapsyon. Sa New South Wales, ilang grupo ng mga migrante at manggagawa ang nagtipon sa Sydney Town Hall noong Setyembre 21 upang makiisa sa mga protesta sa bansa.
Key Points
- Bitbit ang panawagang “Never Again,” isinabay ng mga grupo ang kanilang pagtitipon sa paggunita ng ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong 1972.
- Ginanap ang kilos-protesta sa Sydney Town Hall bandang alas-onse y medya ng umaga, na pinangunahan ng Bayan Australia, Migrante, AnakBayan, 1Sambayan, PCPR, at mga international human rights groups, kasama rin ang ilang kinatawan ng First Nations people ng Australia.
- Isang tagasuporta ng pamilya Duterte ang nakihalo sa hanay ng mga raliyista habang may dalang plakard na may nakasulat na “Free Duterte.”



📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





