Mga batas sa pagpapautang, maaaring luwagan sa Australia, ngunit bakit nga ba mahalagang mangutang nang responsable

loan

Consider the potential for interest rate rises when calculating how much you can realistically borrow. Source: Getty Images/urbazon

Nilalayon ng Pamahalaang Pederal na mapagaaan ang mga batas sa responsableng pagpapautang, umaasa na makakatulong itong pasiglahin ang ekonomiya.


Pero dahil sa ibibigay sa mga nanghihiram ang tungkulin na suriing mabuti kung dapat bang mangutang, babala ng mga eksperto na napakahalaga na maging responsable sa pangungutang.

Sa kinakaharap na pandemya ng COVID-19, inihain ng Pamahalaang Pederal ang isang panukalang batas para baguhin ang mga batas para sa responsableng pagpapautang, para mapadali ang pag-utang ng mga konsumer at mga negosyo.

Highlight

  • Layunin ng panukala ng Pamahalaang Pederal na gawing mas madali para sa mga konsumer at negosyo na mangutang.
  • Sa panukala, aalisin sa mga nagpapautang at mapupunta sa mga taong nangungutang ang tungkulin para sa pagsuri ng pagiging angkop na mangutang.
  • Ang mga nagpapautang ay hindi na mahaharap sa mga parusang sibil at kriminal para sa iresponsableng pagpapautang.

 

Layunin sa panukala na gawing mas simple ang proseso ng aplikasyon para umutang at bawasan ang responsibilidad ng mga nagpapa-utang o mga lenders sa pagsusuri at pag-verify sa kakayahang magbayad ng taong nangungutang.

Si Roland Bleyer ang founder ng kilalang independent financial comparison site na Credit World na bihasa sa personal loans.

Aniya, sa pag-relaks ng mga tungkulin ng mga nagpapautang sa pagsuri at pag-verify ng kakayahan ng mga umuutang na makapagbayad, mahalaga na maging responsable ang mga tao sa pangungutang.

Mga tip para sa responsableng pag-utang

Binalangkas ni G. Bleyer ang ilang tip kung paano mas higit na maging responsable sa pangungutang:

  • Pag-aralang mabuti ang iyong pinansya.
  • Maging maingat sa iyong desisyon.
  • Ihambing ang mga opsyon para makakuha ng piinakamahusay na deal
  • Isaalang-alang ang potensyal na pagtaas ng mga interes.
  • Ugaliing mabuhay sa kung anong matitirang pera upang mabayaran ang iyong utang sa nakatakdang panahon.
BASAHIN DIN/PAKINGGAN



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand