Mga aral mula sa Victoria lockdown: 'Life is beyond our control'

Yap family

Yap family Source: Bryan Yap

Naging mahirap man ang mahabang lockdown sa Victoria, kalakip naman nito ay mga mahalagang aral sa buhay.


"Marami akong natutunan sa mahabang lockdown. Una ay wala tayong kontrol sa mga bagay na hawak natin. Kung ano ang mayroon tayo ngayon ay maaaring makuha sa atin."
 
Aminado ang ama, asawa at talento na si Bryan Yap na ang lockdown period sa Melbourne ay nagturo sa kanya na hindi niya kontrolado ang takbo ng buhay.
 
Sinabi ni Bryan na nawalan siya ng naraming trabaho matapos ipinataw ang mahigpit na lockdown sa Victoria.
 
"Tulad ng lahat ng iba pang mga industriya, ang industriya ng entertainment ay isa sa labis na apektado. Nawalan ako ng maraming mga proyekto."
 
Idinagdag niya na sinubukan niyang masanay na manatili sa bahay matapos masabihan na ang mga proyekto ay magpapatuloy sa susunod na taon.
 
"Nahirapan aka manatili sa bahay dahil karamihan sa aking trabaho ay nasa labas. Naging Hamon din ang 5k bubble limitado ang mga galaw mo."
 
Anya natutunan niya din ang kahalagahan ng pagtitipid.
 
"Ang pagtitipid ng pera ay mahalaga lalo na sa mga panahong ito. Hindi ka naghahanda para sa anumang bagay ngunit mahalaga na mayroon kang pera na naitabi."
 
Isa din sa natutunan niya ay ang kahalagahan ng kalusugang pangkaisipan.
 
Sinabi niya na sa panahon ng lockdown ay mayroon siyang mga kaibigan na nagdusa ng pagkalumbay sapagkat biglang inalis sa kanila ang maraming mga bagay.
 
"Mayroon akong mga kaibigan na nagkaroon ng mental depression. Natutunan kong maging malakas para sa kanila. Mahalaga na magkaroon ng isang taong pinagkakatiwalaan mo pagdating sa iyong kalusugang pangkaisipan. Ang simpleng pakikinig sa kanilang problema ay nakakatulong sa kanila."
 
Habang ang hinaharap ay hindi sigurado sa mga oras na ito dahil sa mga epekto ng pandemya, inihayag ni Bryan na umaasa siyang magiging maayos din ang lahat.
 
"Three weeks na akong walang work kasi natapos na ang casual work ko. Napapaisip ako paano ko ito isusustain. Nandun ang pangamba. Pero sabi nga nila maging hopeful ka lang. Kagaya ngayon nalift na ang mga restriction, may liwanag na. Umaasa ako dun. I know that lots of people are doing their fair share of being disciplined and responsible. Everyone’s doing their part to prolong safety until we can get a vaccine."


 
 
 






Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga aral mula sa Victoria lockdown: 'Life is beyond our control' | SBS Filipino