Ang airline ay lumilipad patungo at paalis ng Melbourne, at ang mga aktibista ay partikular na nababahala sa mga panganib na naidudulot sa mga tao na may iba't ibang kasarian at sekswalidad kung sila ay maglalakbay sa Brunei.
Grupo ng mga LGBTIQ+ nanawagan para ipagbawal ang Brunei airline

A Royal Brunei Airlines' Boeing 787 Dreamliner in Melbourne Source: AAP
Dumarami ang panawagan para ipagbawal ang Royal Brunei Airlines na lumipad sa Australya dahil sa mga kontrobersyal na batas na inilabas ng maliit na bansa na hahagupitin o babatuhin hanggang mamatay ang mga tao dahil sa sodomy, blasphemy at adultery.
Share

