Matapos ang matagal na panahon, sa wakas inilunsad ng mang-aawit/kompositor Gia Clarissa ang kanyang matagal na pangarap - ang karera sa musika - noong Oktubre 2016. Sa loob lamang ng isang buwan, nakapag-rekord siya ng kanyang unang album, "Life is Not a Dress Rehearsal so... live in the present", at mula noon umawit sa ilang mga palabas sa iba't ibang bahagi ng Sydney. Ngunit nang sa akala niya'y, sa wakas, ginagawa na niya ang kanyang hilig, siya ay nasuri na may breast cancer noong Setyembre 2018.
Sa kabila ng mga nakaraang hamon at kamakailang diagnosis sa kalusugan, determinado si Gia Clarissa na mabuhay at makapagbahagi ng inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng kanyang mga introspective melodies at likiro na kanyang nilikha.
Naniniwala siya na ang oras ay mahalaga at kung ang isang tao ay binasbasan ng pagkakataon at ang kakayahang magamit ang mga talento, walang punto na maghintay na maging perpekto ang bawat kondisyon. ("time is precious and that if one has been blessed with the opportunity and the ability to utilise one's talents then there is no point waiting until every condition is perfect.")