"Light up purple" sinusuportahan ang mga mala-himalang sanggol

World Prematurity Day

World Prematurity Day Source: Miracle Babies Foundation

Masayang nagdiriwang ang mga mag-anak kapag ipinanganak ang isang sanggol, ngunit kapag nawala sa plano ang mga pangyayari at ang isang sanggol ay kailangang makipaglaban upang mabuhay, maaari itong maging mabigat at lubhang makaapekto sa buong pamilya.


Bawat taon, 15 milyong sanggol ang napapa-agang naipapanganak sa buong mundo - higit sa isa sa sampung panganganak, ayon sa ulat noong taong 2012 Born too soon: the global action report on preterm birth. Mahigit sa isang milyon sa mga sanggol na iyon ang namamatay ilang sandali lamang matapos maipanganak habang marami ang nagkakaroon ng panghabambuhay na kapansanan.

Sa Australia, 27,000 mga sanggol ang ipinanganak nang wala sa takdang oras at isang libo ang namamatay sa mga ito.

Today, November 17 is World Prematurity Day - a day to increase awareness of preterm births as well as the 

Ngayong Nobyembre 17 ay World Prematurity Day - isang araw upang dagdagan ang kamalayan ukol sa ng 'preterm births' o napaagang panganganak pati na rin ang mga pagkamatay at kapansanan na dulot nito.

Hinihikayat ng CEO at co-founder ng Miracle Babies Foundation na si Kylie Pussell ang mga Australyano na suportahan ang 'Light Up Purple' upang magtaas ng kamalayaan at suportahan ang pinakamaliit na mga sanggol at kanilang mga pamilya at malaman kung ano ang maaaring gawin upang mapigilan ang mga nakakalungkot na epekto ng mga napa-agang panganganak.



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
"Light up purple" sinusuportahan ang mga mala-himalang sanggol | SBS Filipino