Ang Batingaw Peoples' Music ay maghahatid ng mga folk at cultural songs na may kaugnayan sa mga sosyal at kultural na isyu ng mga Pilipino at Pilipino-Australyano kabilang na ang mga karapatang pantao at mga abala ng kapaligiran.
Habang ang solo performer na si Kristal Mhay Diaz naman ay kakantahin ang mga awitin ng Pop Princess na si Sarah Geronimo.
Dadalo at gaganap din ang iba pang mga naka base sa Melbourne na mga Pinoy artists tulad nila Mary Ann Van der horst, Zabrina Araya, Bryan Yap, Escalera band, at Mike Valdivia.
Hinihikayat nila ang mga Pilipino sa buong Victoria na makisaya sa kaganapan ngayong Marso 24 sa Queen Victoria Market mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
BASAHIN DIN:



