Dagdag na sahod matatanggap ng mga manggagawang may pinakamababang sahod

Kazim Shah Source: SBS
Ilan sa mga manggagawang may pinakamababang sahod sa bansa ay makakakuha ng dagdag na sahod mula sa unang araw ng Hulyo, matapos ng isang desisyon ng Fair Work Commission. Malugod na tinanggap ng mga unyon ang tatlong porsiyentong pagtaas sa sahod, o nasa $21 na dagdag bawat linggo, na pakikinabangan ng mahigit sa dalawang milyong manggagawa. Ngunit sinasabi ng mga grupo ng negosyo na ang pagtaas ay magkakaroon ng negatibong epekto sa mga maliliit na negosyo.
Share