Mabilis na paglago ng 'Creator Economy': Paano mo mapapahusay ang iyong paggawa ng online content

Mark Flores and team.jpg

'Content creating is all about you becoming almost like a media. You have to utilise the camera on your smartphone, it's about crafting quality content,' video strategist and producer Mark Flores points out how an emerging content creator can take advantage of available resources. Credit: Falcon Creative

Isa ka ba sa mga sumubok gumawa ng content online o sa social media tulad ng Facebook, Youtube o Instagram at nagsimula na kumita mula dito? Maituturing na bahagi ka ng daang-bilyong dolyar na industriya ng 'content creation'. Pero paano mo pa mapapahusay ang paggawa ng content? Ilang tips ang ibinigay ng full-time content creator na si Mark Flores.


Key Points
  • Noong Disyembre 2022, tinatayang umabot ng $104.2 bilyong-dolyar ang laki ng merkado ng creator economy sa buong mundo.
  • Umabot na sa higit 303 milyon ang bilang ng content creators sa buong mundo. Sa Australia, lampas na sa 6-milyon ang mga content creator.
  • Para sa content creator na si Mark Flores, bukod sa kalidad, higit na mahalaga ang kwento at laman ng iyong content para ika'y magtagumpay bilang isang creator.
Tinatayang pumalo sa $104.2 bilyong-dolyar ang laki ng merkado ng creator economy sa buong mundo hanggang Disyembre 2022, ayon sa CB Insights, isang private company na may business analytics platform at global database nagbibigay ng datos tungkol sa pribadong kumpanya at mga aktibidad ng mga investors.

Sa Australia, tumaas ng 48 porsyento ang Creator Economy, lampas na sa anim na milyon ang bilang ng mga content creator mula sa dating tatlong milyon noong 2020.

Para sa digital marketing consultant at full-time content creator na si Mark Flores, pinaka-importanteng bigyang pokus ang nilalaman at kwento ng gagawin mong content.

"It's not just about the aesthetics. I acknowledge that having great-looking video and audio quality is important, but it's more of the quality of the message," pagbibigay-diin ng video strategist at producer na si Mark.
Crafting your market message is what's important. Making sure that your audience can relate to your message.
Hindi lamang aniya dapat mamuhunan sa gamit tulad ng camera, tripod, microphones at ilaw, importanteng pag-isipang mabuti ang mensahe ng inyong gagawing content.

"You can bring out vulnerability, and emotions to show authenticity in your message."

"It is so easy now with technology, you don't even need an expensive camera anymore, you can just use the camera on your smartphone and then use a simple app to do your editing," ani Mark tungkol sa paggawa ng video.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mabilis na paglago ng 'Creator Economy': Paano mo mapapahusay ang iyong paggawa ng online content | SBS Filipino