Mag-asawa mula regional NSW, itinuturo ang kulturang Pinoy sa mga bata sa kanilang family day care

Jeanette and David Macasieb family day care in Armidale.PNG

Beyond sharing Filipino culture, Jeanette and David Macasieb find deep fulfillment in witnessing the children’s milestones at their family day care in Armidale, NSW from taking their first steps to speaking their first words, while nurturing them to grow into kind, respectful, and compassionate individuals. Credit: Jeanettte Macasieb

Naniniwala ang mag-asawang Jeanette at David Macasieb isa sa misyon nila sa buhay ay maging magulang sa mga bata sa kanilang family day care.


Key Points
  • 25 taon ng mag-asawa sila David at Jeanette Macasieb at nasalukuyang nagpapatakbo ng isang family day care sa Armidale, New South Wales.
  • Mahigit 50 bata na ang kanilang naturuan at inalagaan mula nang simulan ang kanilang day care, na nagsisilbi rin nilang paraan upang ipakilala ang kulturang Filipino.
  • Itinuturing ng mag-asawa na isang malaking katuparan ang masaksihan ang mga milestone ng mga bata, tulad ng pagkatutong maglakad at magsalita. Higit pa rito, tinuturuan din nila ang mga batang maging mabait at may paggalang sa kapwa.
Macasieb couple during music session.PNG
The Macasieb couple in Armidale, NSW, shares Filipino culture with the children at their family day care, nurturing them with love, values, and a sense of belonging. Credit: Jeanette Macasieb

Wala mang sariling anak ang mag-asawang Jeanette isang Early Childhood Educator at David Macasieb isang regulatory officer, ngunit sa kanilang tahanan sa Armidale, New South Wales, dose-dosenang bata ang tinuring nilang pamilya. Sa pamamagitan ng itinayong family day care, naging bahagi sila ng paglaki ng mahigit limampung musmos, mga batang mula sa iba’t ibang pamilya ngunit pinag-isa ng pag-aaruga, pagtuturo, at malasakit.

Dito, natagpuan ng mga bata ang isang ligtas at masayang tahanan habang natututo, at natagpuan naman ng mag-asawa ang kahulugan ng pagiging magulang hindi sa dugo, kundi sa puso.

Macasieb family day care.PNG
Even with his other job, David helps his wife as an early childhood educator. Having grown fond of the children, he says that guiding and caring for them at their day care has truly become their life’s mission. Credit: Jeanette Macasieb

Habang lumilipas ang mga taon, unti-unting napagtanto nina Jeanette at David na ang kakulangan ng sariling anak ay napunan ng isang mas malawak na layunin. Ang paghubog ng karakter, pag-aaruga, at paggabay sa mga bata sa tamang landas ang siyang naging misyon at tawag ng kanilang buhay.

Jeanette with a kid.JPEG
According to Jeanette, the children have had a significant impact on their lives, and they have come to treat them like family. Credit: Jeanette Macasieb

Sa bawat ngiti, yakap, at milestone na kanilang nasaksihan, pinatutunayan ng mag-asawa na ang pagiging magulang ay hindi nasusukat sa kadugo, kundi sa pusong handang magmahal, mag-aruga, at maglaan ng sarili para sa kinabukasan ng mga bata.

Taong 2022, ayon sa Australian Bureau of Statistics, isa sa bawat apat na sambahayan sa Australia ay walang anak at inaasahang pagsapit ng 2029, mas hihigit na ang bilang ng mga mag-asawang pinipiling mamuhay nang walang anak kumpara sa mga mag-asawang may mga anak.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now