'Mahalaga ang pahintulot mula sa tribo': Pagtatanghal ng katutubong sayaw sa dayuhang lupain

T’boli tribal dance

The traditional dances of the T’boli tribe of Mindanao are often performed with agung and kulintang music, and are deeply tied to the T'boli’s connection with nature and their spiritual beliefs. Image by: Hiraya Performing Artists Brisbane| Estetic Photography

Para sa community leader at cultural dancer na si Dixie Morante at sa kanyang grupo, ang pagtatanghal ng katutubong sayaw mula Pilipinas ay hindi lang nagbibigay aliw para sa manonood dahil ito ay isang tungkulin at karangalan.


Key Points
  • Sumali ang grupo sa isang Filipino intensive dance workshops sa tulong ng Parangal Dance Company mula San Francisco, sa direksyon ni Eric Solano, kung saan pinag-aralan nila ang mga sayaw mula sa Mindanao at Sulu Archipelago.
  • Ang mga kasuotan na kanilang ginagamit ay mula mismo sa mga katutubo sa Pilipinas. Isa ito sa kanilang paraan upang mapanatili ang pagiging tunay o authenticity ng sining at makatulong sa kabuhayan ng mga komunidad.
  • Ayon kay Dixie Morante, ang mga galaw ay hindi basta galaw lang—ito’y may kaugnayan sa kasaysayan, kalikasan, at paniniwala ng mga katutubong grupo tulad ng Tausug, Maguindanaon, at Yakan.
Sa tuwing may selebrasyon sa Filipino community sa Australia, inaabangan ng mga manonood ang mga makukulay na pagtatanghal ng katutubong sayaw.
Isa sa mga grupo na gumagawa nito ay ang Hiraya Performing Artist Brisbane at Filipino Australian Brisbane Society Inc. na kinabibilangan ni Dixie Morante sa Queensland.

Para kay Dixie, hindi sapat ang magaling sumayaw, kailangan ding tama ang impormasyon, tunay ang layunin, at higit sa lahat, may respeto sa pinanggalingan ng kultura.

Hindi kami basta-basta lang sumasayaw. Napaka-importante na you ask permission from the culture bearers.
Dixie Morante, Cultural Dancer
📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand