Key Points
- Ang Lake Mainit ang ika-apat na pinakamalawak na fresh water lake sa Pilipinas.
- Ito ang magsisilbing natural water reservoir ng hydroelectric power plant.
- Bibilhin ito ng Agusan Del Norte Power Incorporated para maserbisyuhan ang CARAGA Region.
Sa karagdagang balita, pabor ang mas nakararaming Pilipino sa pakikipag-alyansa ng Pilipinas sa ibang bansa para maidepensa ang mga karapatan nito sa West Philippine Sea.
Batay sa survey ng Pulse Asia mula Hunyo a-disi nuwebe hanggang a-bente tres, walumpung porsyento ang pabor sa pakikipag-alyansa, habang labimpitong porsyento ang walang pasya ukol dito.
Tatlong porsyento naman ang hindi pumabor habang isang porsyento ang hindi nagbigay ng opinyon dahil hindi sapat ang kanilang kaalaman.
Lumitaw din sa survey na pitumpu’t dalawang porsyento ang naniniwalang dapat gawing prayoridad ng Administrasyong Marcos ang pagpapalakas sa militar, lalo na ng Philippine Navy, Philippine Air Force at Philippine Coast Guard.
Ito ay para epektibong maipagtanggol ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine sea.
Animnapu’t apat na porsyento naman ang nagsabing dapat magsagawa ng joint maritime patrols at military exercises ang pilipinas sa mga kaalyadong bansa.
Isinagawa ng Pulse Asia Survey, kasabay ng ika-pitong anibersaryo ng tagumpay ng Pilipinas sa Arbitral Court kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo.
Samantala, lalo pang pinalawak ng Bureau of Immigration ang kanilang serbisyo.
Sa pamamagitan ito ng paglulunsad ng e-services para hindi na kailangang personal na magtugo sa kanilang tanggapan ang foreign national at mas madaling makuha ang kailangang dokumento sa paggamit na lamang ng internet
Ayon sa Bureau of Immigration, saklaw ng kanilang e-services ang dual citizenship principal application, emigration clearance certificate, visa waiver, waiver of exclusion grounds, at tourist visa extension.