Key Points
- Batay sa impormasyon mula sa Malacanang, nakikipag-ugnayan na ang gobyerno sa Czech Republic para mailatag ang mga ligal na proseso para sa ma-ayos na pagbabalik sa Pilpinas ni Zaldy Co sa lalong madaling panahon
- Si Zaldy Co ay naka detine ngayon sa Prague matapos tumawid sa Czech Republic nang walang kaukulang papeles o dokumentasyon
- Malacañang, ipinauubaya sa National Bureau of Investigation ang pag-iimbestiga kaugnay sa isiniwalat ni Ramil Madariaga na assassination plot na inilatag umano noon ni dating Pangulong Rodrido Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maiupo sa pwesto bilang Presidente si Vice President Sara Duterte.
- Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nanawagan sa ibang bansa sa Asya ng “coordinated at unified” response sa global energy crisis dulot ng sigalot sa Gitnang Silangan
- Australia tumutulong sa pagpapalakas ng Philippine forensic capabilities. Nakikipag-partner ang Australia sa National Bureau of Investigation, Philippine National Police at University of the Philippines, Manila para maisagawa ito.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino
or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram




