Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Komunidad ng Niue Island sa Pasipiko, binigyang-pugay ang kabayanihan ng mga naunang sundalo ng ANZAC

CROPPED Maori and Niue Soldiers Swim at Narrow Neck Beach AWNS-19160120-39-02.jpg

Newly recruited ANZAC soldiers from Niue Island prepare in Auckland for deployment to the Western Front in 1915. Credit: Auckland Public Libraries

Sa bagong podcast ng Our Pacific series, inaalala ang mga naunang sundalong nagsilbi sa ANZAC mula sa Niue sa Pasipiko. Ikinuwento ng kanilang mga inapo ang masalimuot at trahedyang karanasan ng 150 boluntaryo mula sa isang liblib na isla na napasabak sa Unang Digmaang Pandaigdig.


Noong 1915, habang lumalala ang digmaan sa buong mundo, malaki ang naging bilang ng nasawi ng mga sundalo sa ANZAC sa mga burol ng Gallipoli.

Kaya humingi ng tulong ang New Zealand sa mga kolonya nito sa Pasipiko upang mapunan ang mga nawalang tauhan, at tinanggap ang alok ng Niue na magpadala ng mga lalaki para sa digmaan.

Iniwan ng 150 rekrut ang kanilang mga tahanan at pamilya sa Niue upang sumama sa mga Rarotongan at Maori na grupo, para sa mga gawaing tulad ng pagbubuhat at paghuhukay.

I don't think that we fully understand what they have been through.
Mohelagi Tutoka

Labimpito sa mga boluntaryo ang namatay habang nasa aktibong serbisyo. Ngunit marami sa mga nakaligtas sa digmaan ang kalaunan ay namatay dahil sa mga sakit at karamdaman sa paghinga matapos silang makauwi.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now