Malawakang available sa Australia ang gamot na nakatutulong upang maiwasan ang pagkalat ng HIV, kabilang para na ang mga may temporary visa at maging sa mga walang Medicare. Pero bakit may ilang migranteng LGBTQI+ na hindi pa rin nakikinabang dito?
Si Thisanut Kaewnukul ay dumating sa Australia mula Thailand noong 2022. Ikinuwento niya sa SBS Examines na naging nakakalito at nakaka-overwhelm ang kanyang karanasan sa hamong makakuha ng PrEP (pre-exposure prophylaxis), isang gamot na nakatutulong upang maiwasan ang pagkahawa sa HIV.
Bagama’t libre o mababa ang halaga ng PrEP sa Australia, kabilang para sa mga taong walang Medicare, nahirapan si Thisanut na makahanap ng impormasyong nagsasaad nito.
I felt like I needed to worry about the cost of living, my financial situation. And on top of that, I feel like not every GP that I feel comfortable talking to.Thisanut Kaewnukul
Sinabi ni Alexandre San Martim Portes, ang Multicultural Peer Navigation Lead ng Emen8, isang pambansang programa para sa edukasyon tungkol sa HIV at kalusugang sekswal para sa mga gay, bi+ at iba pang lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki, na pangkaraniwan ang naging karanasan ni Thisanut.
Ayon kay Portes, marami ring migranteng LGBTQI+ ang nahaharap sa kahalintulad na mga hamon sa pag-access ng impormasyon at mga serbisyong may kaugnayan sa HIV prevention at kalusugang sekswal.
“It can be scary ... imagine doing that in a language that is not your first language. You have to understand terms that you're not used to. You're going to have to talk to someone about things like how many sexual partners you had in the past few months.
"It can be difficult for someone, depending on their background, but then doing that in English adds a different layer.”
Tinutukan sa episode na ito ng SBS Examines kung paano maaaring ma-access ng mga migranteng lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ang mga serbisyong pangkalusugang sekswal sa Australia, at sinisiyasat kung paano makalilikha ng mas ligtas at mas bukas na mga kapaligiran para sa ganitong mahahalagang usapan.
Ang episode na ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng SBS Thai.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





