Iba’t ibang numero ang lumalabas kapag pinag-uusapan ang migration sa Australia. Pero ilan ba talaga sa mga dumarating ang permanenteng naninirahan dito? At paano nga ba aktuwal na binibilang ang migration?
Ayon kay Bjorn Jarvis, Head of Demography sa Australian Bureau of Statistics (ABS), sinabi niya sa SBS Examines na ang Net Overseas Migration (NOM) ang official measure o opisyal na sukatan kung paano nakaaapekto ang migration sa pagbabago ng populasyon ng Australia. Ginagamit dito ang tinatawag na “12 in 16 months” rule.
Ibig sabihin, kasama rin sa bilang ang mga temporary visa holder, tulad ng mga international student, working holiday visa holder, at PALM worker, kung nakapaglaan sila ng 12 buwan sa loob ng nakalipas na 16 na buwan sa Australia.
Hindi lamang ang Net Overseas Migration (NOM) ang datos na ginagamit para masukat ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa Australia. Nagbabala ang mga eksperto na hindi dapat basta-basta ipinagpapalit ang mga numerong ito na para bang pareho lamang ang kanilang ibig sabihin.
Ang Overseas Arrivals and Departures (OAD) data, na sumusukat sa mga pagtawid sa international border, ay ginagamit din minsan nang hindi tama bilang sukatan ng migration intake ng Australia.
“Sa ngayon, kung gagamitin mo iyan bilang proxy, mapapalaki nito ang tinatayang migration ng humigit-kumulang 60 porsiyento, o mga 180,000 katao,” ani Jarvis.
Ayon naman kay dating Deputy Secretary ng Department of Immigration na si Abul Rizvi, madalas ding nagagamit nang hindi tama ng mga pulitiko at media organisation ang iba’t ibang dataset na inilalabas ng ABS.
A number of organisations have used the net permanent and long-term movements data to argue that that immigration to Australia is exploding and increasing at a rapid rate. That is untrue.Former Deputy Secretary of the Department of Immigration Abul Rizvi
Sinabi ni Professor Alan Gamlen, Director ng Australian National University Migration Hub, na maaari ring maging mapanlinlang ang mga bilang ng migration kapag inilalahad nang walang sapat na konteksto, kabilang na ang mga projection para sa magiging Net Overseas Migration (NOM) sa hinaharap.
Sa episode ngayong linggo, sinusuri ng SBS Examines kung paano kinakalkula ang mga bilang ng migration at kung bakit madalas hindi nauunawaan nang tama ang aktuwal na bilang ng mga migranteng tinatanggap ng Australia.
Ang episode na ito ay ginawa sa pakikipagtulungan sa SBS Cantonese.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





