SKIP TO MAIN CONTENT

Mga Prayoridad ng Pasipiko sa COP31

Climate change will make some types of extreme weather more common.
The impact of climate change, rising temperatures, and sea levels threaten the existence of many Pacific communities. Source: Shutterstock / Drew McArthur/Shutterstock

Sa COP31, sisikapin ng mga Pacific Climate Envoy na maiparinig sa mundo ang mga pangunahing panawagan ng Pasipiko.


Published

By Mojdeh Kashani, Tavishek Sharma, Tuipoloa Evan Charlton

Presented by Mojdeh Kashani, Shiela Joy Labrador-Cubero

Source: SBS



Skip to podcast episode content

Sa COP31, sisikapin ng mga Pacific Climate Envoy na maiparinig sa mundo ang mga pangunahing panawagan ng Pasipiko.


Taun-taon, nagtitipon ang mga bansang kabilang sa United Nations Framework Convention on Climate Change para sa Conference of the Parties, o COP, upang pag-usapan at pagkaisahan ang pandaigdigang tugon sa climate change.

Sa pamamagitan ng prosesong ito, nabuo ang mahahalagang pandaigdigang kasunduan, kabilang ang Paris Agreement na pinagtibay sa COP21 noong 2015. Sa ilalim nito, nangako ang mga bansa na panatilihing mas mababa sa 2°C ang pagtaas ng pandaigdigang average na temperatura kumpara sa antas bago ang industriyalisasyon, habang nagsisikap na limitahan ito sa 1.5°C.

Ngayong Nobyembre, magtitipon ang mga bansa sa buong mundo sa Türkiye para sa COP31, kung saan magsisilbi ang Australia bilang President of Negotiations sa ilalim ng partnership ng Türkiye at Australia para sa COP31.

Para sa mga bansang isla sa Pasipiko, higit pa sa mga pandaigdigang kasunduan ang nakataya sa mga pag-uusap na ito. Ramdam na ngayon ng mga komunidad sa buong rehiyon ang epekto ng climate change. Nagbabanta ang tumataas na lebel ng dagat sa mga tahanan at imprastraktura, habang lalong lumalaki ang pressure sa seguridad ng pagkain at suplay ng tubig.

Tatlong Pacific Climate Envoy ang itinalaga upang dalhin sa COP31 ang mga pangunahing prayoridad ng rehiyon. Kabilang dito ang pagpapanatiling abot-kamay ng 1.5°C temperature goal, pagpapahusay ng access sa climate finance, at paglalagay sa karagatan sa sentro ng pandaigdigang pagkilos laban sa climate change.

What we lack is the political will.
Kristina Eonemto Stege

Sa COP31, pangungunahan ni Kristina Eonemto Stege, Pacific Envoy for Oceania mula sa Marshall Islands, ang panawagan ng rehiyon na mapanatiling abot-kamay ang target na iyon.

"The only way that we were going to achieve this is by ending the dependence that we currently have on fossil fuels that's causing the present crisis."

Lalong nahaharap sa hamon ang target na 1.5°C, dahil may ilang nagsasabing hindi ito makatotohanan o napakahirap makamit. Ngunit hindi sang-ayon si Stege sa pananaw na ito.

"The science tells us that the pathways are there. We do have the technology; we do have the resources. What we lack is the political will."

Para kay Stege, kung lumampas man sa 1.5°C ang temperatura, hindi ibig sabihin na dapat nang talikuran ng mundo ang target na ito.

"We also have to remember that every fraction of a degree counts. And so, breaching the 1.5 limit, does not mean we should therefore abandon that limit because we also know from the science that we can come back down."

Ngunit ang pagpapanatili ng pagtaas ng temperatura sa loob ng 1.5°C ay isa lamang sa mga prayoridad ng Pasipiko sa COP31.

Every fraction of a degree counts.
Kristina Eonemto Stege

Mula sa Papua New Guinea si Ruel Yamuna, ang Pacific COP31 Envoy for Access to Climate Finance.

"Ultimately my job is to help ensure that climate finance works better for the Pacific."

Ayon kay Yamuna, hindi dapat hanggang sa mga bagong pangako lamang ang usapin ng climate finance. Kailangang matiyak na nakararating ang pondo sa mga komunidad at naipagkakaloob ito sa paraang talagang gumagana para sa mga bansa sa Pasipiko.

"Another challenge is ensuring that adaptation receives the same level of attention as mitigation. For the Pacific, adaptation is not optional. It is an existential necessity."

Nanawagan din si Yamuna ng mas matibay na suporta para sa mga solusyon at inisyatibang pangklima na pinangungunahan ng Pasipiko.

"That collaborative approach is at the heart of the COP31 Pacific partnership and the role envisioned for the Pacific and Voice."

For the Pacific, adaptation is not optional. It is an existential necessity.
Ruel Yamuna

Ang ikatlong Pacific Envoy ay tututok sa isang usaping sentro sa pagkakakilanlan at kaligtasan ng rehiyon ang karagatan.

Si Hon. Inia B. Seruiratu ng Fiji ang Pacific Envoy for the Ocean. Ayon sa kanya, ang malalim na ugnayan ng Pasipiko sa karagatan ay nagbibigay sa rehiyon ng natatanging awtoridad sa pandaigdigang usapin tungkol sa kalagayan ng karagatan.

"The Pacific are global ocean leaders because it defines us. In terms of the climate solution, there cannot be a successful climate solution without oceans."

Mahalaga ang mga karagatan at marine ecosystem sa pagpapanatili ng balanse ng klima, ngunit lalo silang nalalagay sa panganib.

Para sa mga bansa sa Pasipiko, nakikita na mismo sa mga komunidad sa baybayin ang epekto ng climate change.

"Sea level rise is threatening us in so many ways, threatening our communities, threatening our infrastructure, our fresh water supplies, food security. The long-term effect is habitability of entire nations. In Fiji, we are relocating coastal communities, and this comes with a cost."

Ang mga epekto nito ay nagbabangon din ng mga tanong tungkol sa paglikas at migrasyon.

Sea level rise is threatening us in so many ways.
Hon Inia B Seruiratu

Sa ilalim ng Falepili Union treaty, may pathway para sa ilang mamamayan ng Tuvalu na manirahan sa Australia. Ngunit sinabi ni Seruiratu na mas malaki ang usapin ang magiging kinabukasan ng mga bansang isla sa Pasipiko sa harap ng climate change.

"The issue of internal displacement and forced migration is so important. It threatens the lives and livelihoods, including statehood of small Pacific Island countries."

Magho-host ang Pasipiko ng mga pre-COP31 meeting sa Fiji at Tuvalu bago idaos ang pangunahing negosasyon sa Antalya, Türkiye.

Gagamitin ng tatlong Envoy ang pagkakataong ito upang isulong ang mas matibay na pagkilos laban sa climate change, mas magandang access sa climate finance, at mas malaking pagkilala sa mahalagang papel ng Pasipiko sa pangangalaga ng karagatan.

Para sa Pasipiko, hindi lamang isa pang pandaigdigang pagpupulong ang COP31. Nararanasan na mismo ng rehiyon ang mga epekto ng nagbabagong klima.

Nais ng mga Envoy na matiyak na ang pandaigdigang tugon sa climate change ay tunay na sumasalamin sa realidad na ito.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.


Latest podcast episodes

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Stream now