Sa episode ng Trabaho, Visa, atbp., ating alamin ang mga hamon at tagumpay ng pagtatrabaho bilang karpentero sa Australia. Malaki nga ba talaga ang sahod at mabigat ba talaga ang trabaho?
Key Points
- Isang international student si Keilor Ganuhay sa Brisbane na kumukuha ng kursong Certificate III in Carpentry.
- Isa na siyang apprentice ngayon at planong pagpatuloy ang pag-aaral at karera sa sektor na ito.
- Malaking sahod ang isa sa naging inspirasyon niya nang piliin ang kurso at trabaho pero nais niya din ng pisikal na aktibidad.
- Sa kasalukuyang datos ng Jobs and Skills Australia, kulang kulang 150,000 ang carpenters at joiners sa Australia.
Paunawa: Ang mga paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa kinauukulan at lisensyadong employment o migration expert sa Australia.
Share



