highlights
- Batay sa survey ng Pulse Asia, halos kalahati o 47 percent ng mga Filipino ay may pag-aalinlangan sa pagpapabakuna dahil sa safety concerns.
- Sa survey nakita na 32% lamang ang handang magpabakuna habang 21% ang hindi makapagpasya kung magpapabakuna o hindi.
- May hiwalay na survey na isinagawa naman ang grupong UP -OCTA research team na nagsabing 25 % lang ng mga taga-Metro Manila, o isa sa bawat apat na mamamayan sa NCR ang handang magpabakuna laban sa COVID-19
Hindi lahat handang magpabakuna laban sa COVID-19 sa oras na maging available na ang vaccine
Sinabi ng Department of Health na dodoblehin nila ang information campaign hinggil sa mga benepisyo ng pagpapabakuna laban sa sakit.