Mardi Gras, What Matters: Pag-ibig, pag-aalaga at pagkakapantay-pantay sa pagitan ng LGBTIQ at ng komunidad

Sydney Mardi Gras

Few of the Mardi Gras International Queen 2020 candidates Source: Bob Reyes

Habang inaabangan ang Sydney Mardi Gras Parade, itinataguyod ng komunidad Filipino LGBTIQ ang pagkakaisa sa lipunan at pagkakasundo sa komunidad habang ito ay nakikibahagi sa ikalawang pinakamalaking taunang pagdiriwang ng New South Wales.


Ang tema ng Mardi Gras ngayong taon ay nakapokus sa "What Matters!" at para sa Filipino Lesbian and Gay Community (Flagcom) & Friends, ito ay "love, care and equality" (pag-ibig, pag-aalaga at pagkakapantay-pantay).

Kasabay ng ika-42 taon mula ng unang demonstrasyon noong 1978, ipinagdiriwang ng Flagcom ang kanilang ika-10 taong anibersaryo habang patuloy nito  naglalayong mas mapalaganap ang pagkakapantay-pantay at pagkilala sa kontribusyon ng LGBTIQ sa lipunan.
Flagcom
Albert Prias (front, right) with other members of Flagcom & Friends and the candidates & winners of the Mardi Gras International Queen 2020 Source: Bob Reyes
"Marami ring miyembro ng LGBTI na mga doktor, mga nurses, mga teachers, kaya what matters is what we can do for the community, to do some improvements," ayon sa Flagcom & Friends co-founder Albert Prias, at dagdag niya na "karamay naman kami ng pag-unlad ng community (ng Australia) at ng Philippines din dahil prino-promote namin ang culture ng Philippines."

Mardi Gras Queen International 2020
Winners of the Mardi Gras Queen International 2020 who will be gracing the Philippine Department of Tourism and Flagcom's float at the Sydney Mardi Gras parade Source: DreamLove Photography Sydney


Sa pakikipag-ugnay sa Flagcom, ang float ng Philippine Department of Tourism ay palalamutian ng dekorasyong may tema na "Adam at Eve" at magtatampok ng turismo ng Pilipinas pati na rin ang mga nanalo sa Mardi Gras International Queen 2020.

Ang 2020 Sydney Gay at Lesbian Mardi Gras Parade ay live na mapapanood sa SBS TV at SBS OnDemand mula 7:30 ng gabi sa Sabado ika-29 Pebrero.

Basahin din

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand