Mariposa Filipino Cultural Dance Group, pinag-iisa ang komunidad sa Tasmania sa mga sayaw

The Mariposa Filipino Cultural Dance Group

The Mariposa Filipino Cultural Dance Group Source: Supplied

Ginagamit ang sayaw at kulturang Pilipino upang maipakita ang angking talento ng mga Pilipino at mahikayat ang pagkakaisa ng mga kababayang Pilipino sa Tasmania at pati na rin ang iba't ibang mga etnikong komunidad na naninirahan sa nabanggit na estado. Larawan: Mariposa Filipino Cultural Dance Group (Supplied)


Ang Mariposa Filipino Cultural Dance Group sa Burnie, Tasmania na sa unang pagkakataon ay siyang punung-abala sa pagdiriwang upang gunitain ang ika-118 taong anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas ay binuo ni Amelia Perales na tumanggap ng parangal sa katergorya ng Fair Go para sa Pride of Australia Media na ibinibigay ng News Corp Australia sa mga indibidwal na nagbibigay inspirasyon sa komunidad sa pamamagitan ng kanilang kontribusyon sa edukasyon, kultura, mga inisyatiba at kawanggawa.
Amelia Perales
Amelia Perales (right) with Department of Police and Emergency Management Business and Executive Division Deputy Secretary Assistant Commissioner Donna Adam Source: Supplied
Si Amelia Perales (kanan) kasama si Assistant Commissioner Donna Adam, Deputy Secretary ng Business and Executive Division ng Department of Police and Emergency Management, nang kanyang tanggapin ang medalya para sa kategoryang Fair Go ng Pride of Australia Medal sa Tasmania noong taong 2015.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand