Sa Trabaho, Visa, atbp, hinimay ng English teacher mula Melbourne na si May Red Zafra ang katotohanan sa likod ng popularidad ng PTE at kung paano ito nagsisilbing susi sa migration pathways sa Australia.
Key Points
- Ang PTE o Pearson Test of English ay isang computer-based na pagsusulit sa Ingles para sa migration at pag-aaral.
- Mahalagang requirement ang PTE para sa mga Student, Skilled Independent, at Regional visas.
- Ayon kay Zafra, nakasalalay ang tagumpay sa tamang preparasyon at pamilyaridad sa format ng pagsusulit.
Ito yung common misconception [sa PTE English Language test]. Gusto kong linawin na hindi tamang sabihin na ito ay mas madali. Ang dapat nating sabihin o tingnan ay kung mas bagay ba ito sa pangangailangan ng indibidwal?Melbourne-based English Teacher May Red-Zafra
Ito ang unang bahagi ng panayam sa English Language teacher na si May Red-Zafra. Sa susunod na episode, aalamin naman natin ang scoring system at paano makakatulong ang AI para makapasa sa PTE.
Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado. Registered migration agent o kinauukulang ahensya.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website livestream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram



