Key Points
- Tatagal ang filing ng candidacy hanggang sa ika-walo ng Oktubre.
- Kabilang sa mga kilala at incumbent officials na naghain na ng COC sa COMLEC kahapon para sa pagka-Senador ay ang dalawang incumbent Senators na sina Senador Bong Go at Ronald “Bato” dela Rosa.
- Naghain ng Certificate of Candidacy ay ang dating aktres na si Vilma Santos-Recto para Gobernador, si Luis Manzano bilang Bise-Gobernador at Ryan Recto bilang Kongresita para Ika-Anim na Distrito ng Batangas.
Sa ibang balita, sa pagdiriwang ng National Teachers’ Day noong ika 3 ng Oktubre, kinilala ang sipat at mga sakripisyo ng mga guro.
Lilikha ng Task Force na mag-aaral at mag-rerekumenda ng mga patakaran para mabawasan ang mga nauulit at hindi kailangang administrative load ng mga guro, para makatutok sila sa pagtuturo.
Ginawa na ring 30 araw ang vacation service credits ng mga guro mula sa dating 15 days.

Public and private school teachers gathered on October 3 to celebrate and recognise teachers' hard work and sacrifices. October 5 is National Teacher's Day in the Philippines. October 25 is World Teacher's Day. Credit: Presidential Communications Office / Malacanang Palace
Dinagdagan din ang taunang pitong libong pisong medical allowance ng mga guro, may medical reimbursement sila at hanggang isandaang libong pisong personal accidental death insurance.


