Key Points
- Magsisimulang mag-aral sa Adelaide ng Certificate in Commercial Cookery ang 40-anyos na si Justin Go.
- Plano niyang kumuha ng Graduate visa sa pagtatapos ng 2-taong kurso at umaasahang makakapag-apply sa subclass 190 visa patungong Permanent Residency.
- Walang limitasyon ang edad sa pag-aaral ayon sa Registered Migration Agent na si Em Tanag pero dapat ikunsidera ito sakaling may planong maging permanente sa Australia.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa panayam ng SBS Filipino, ikinwento ng international student na si Justin Go ang karanasan sa aplikasyon ng student visa sa edad niyang 40. Batid ni Justin na maaring magkakaiba ang sitwasyon ng mga aplikante at nakadepende ito sa mga Immigration Officer ngunit malaking bagay anya na mag-research, kumonsulta at magtiwala sa sariling kakayanan.
Nakatakda ding dalhin ni Justin ang kanyang asawa't anak bilang student dependent at umaasang makapanirahan sa Australia.

International Student Justin Go and his wife

Bridges Immigration Law Solutions Registered Migration Agent Em Tanag