Isa sa kanyang mga kapatid ay maaaring isang kilalang child-star, ngunit ang assistant nurse at mang-aawir na ito ay gumagawa ng sarili niyang pangalan sa Western Australia. Si Mayumi Morales, panganay na kapatid ng child-star at bituin ng fanta-serye 'Super Inggo' at lead singer ng banda na Mak and the Dudes, ay isang nakikilalang bituin partikular na sa kanyang trabaho sa Mercy Lugar Mont Clare habang siya din ay kasalukuyang nag-aaral ng Bachelor of Music sa Western Australian Academy of Performing Art. Larawan: Mayumi Morales (Supplied)
Bago manirahan sa Australya, si Mayumi ay naging kinakatawan ng Pilipinas sa 13th World Championships of Performing Arts (WCOPA) na ginanap noong Hulyo 2009 sa Los Angeles, California.

Sa Australya, siya ay aktibong nagtatanghal sa ilang pagdiriwang sa komunidad at nakapasa sa unang bahagi ng audition ng X-Factor Australia noong 2015.

Ibinahagi niya ang kanyang mga pangarap na isang araw ay maging isang Opera singer at magpatuloy na maging isang nars.
Panoorin si Mayumi kasama ang kapatid na si Makisig Morales sa awiting 'Just Give Me a Reason', isang orihinal na kanta ni Pink.


