Hindi siya nanggaling sa ilan sa mga kilala at malalaking unibersidad sa bansa, ngunit sa ikalawang pagkakataon na siya ay nabigyan ng tsansa na maituloy at makatapos sa pag-aaral ng medisina sa University of Perpetual Help sa Las Piñas, si Karl Emmanuel Mercader, ang nanguna sa kakatapos na Physician Licensure Exam nitong Marso.
Sa kanyang nakuhang kabuuang grado na 88.58 na porsyento, hindi inaasahan ni Dr. Mercader na siya ang mangunguna sa isa sa pinakamahirap na pagsusuri na pinamamahalaan ng Professional Regulatory Commission.
Higit pang alamin ang mga pinagdaanang pagsubok ng batang doktor na ito na anak ng isang tricycle drayber, bago ang kanyang tagumpay.

Karl Emmanuel Mercader, M.D. (kanan) kasama ang ilang mga kapwa nagsasanay na mag-aaral ng medisina sa University of Perpetual Help. (Supplied by K. Mercader) Source: Supplied by K. Mercader