Key Points
- Binatikos ng Coroner ang Department of Home Affairs dahil sa kakulangan ng masusing pagsusuri bago aprubahan ang visa sponsorship.
- Naglabas ang Coroner ng mga rekomendasyon upang mapalakas ang proteksyon ng mga migranteng manggagawa at maiwasan ang mga kaso ng posibleng forced labour.
- Umaasa ang pamilya ni Jerwin Royupa na maghahatid ng pagbabago sa sistema ng training visa ng Australia ang inilabas na coronial findings
- Hindi pinangalanan ang sponsor alinsunod sa mga legal na panuntunan.
As a grieving sister, I appeal to the Australian Government. You have to do much more—to keep people who come to work here safeJessica Joy Royupa
Nanawagan ang pamilya ng yumaong Filipino farm trainee na si Jerwin Royupa ng agarang reporma sa sistema ng training at sponsorship visa ng Australia, kasunod ng paglabas ng pinal na findings ng NSW Coroner kaugnay ng kanyang pagkamatay.
Sa isang panayam, sinabi ng kapatid ni Jerwin na si Jessica Joy Royupa na ang sinapit ng kanyang bunsong kapatid ay hindi dapat mauwi sa paglimot, kundi magsilbing “turning point” upang paigtingin ng mga ahensya ng pamahalaan ang proteksyon laban sa exploitation at posibleng forced labour ng mga migranteng manggagawa.
Dagdag pa niya, bagama’t halos pitong taon na ang lumipas mula nang pumanaw si Jerwin, ang paglabas ng coronial findings ay unang hakbang pa lamang sa mahabang proseso ng kanilang pamilya sa paghahanap ng hustisya at pananagutan.
Jessica Joy Royupa, sister of Jerwin Royupa, stands outside the Coroner’s Court of NSW in Lidcombe alongside members of Domus 8.7 and Filipino community supporters during the release of the coroner’s inquest findings. Image: SBS Filipino
Samantala, ayon kay Moe Turaga, Lived Experience Lead ng Domus 8.7, ang kaso ni Jerwin ay nagbukas ng mas malawak na diskusyon tungkol sa kakulangan ng proteksyon para sa mga migranteng manggagawa sa Australia.
“An inquest needs to be a turning point that starts with urgent reform by Home Affairs to safeguard workers like Jerwin,” ayon kay Turaga.
Dagdag pa niya, inilantad din ng inquest ang malawakang kakulangan ng kaalaman tungkol sa karapatan ng migrant workers at mga palatandaan ng forced labour.
“Too often, police and other government agencies are fixated on a person’s visa status rather than their basic rights,” aniya.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.




