KEY POINTS
- Inanunsyo ni Prime Minister Anthony Albanese na hatid ng kanyang partido ang $8.5 billion na pondo para sa Medicare. Habang nangako ang Opposition Leader Peter Dutton ng Koalisyon ng $9 billion na pondo para dito.
- Ayon sa datos na nilabas ng health care directory na Cleanbill nitong Enero, bumagsak ang bulk-billing rate ng Australia sa 20.7 per cent sa pagpasok ng 2025. Bumaba ito ng mahigit 36 per cent sa loob ng dalawang taon.
- Ayon sa Royal Australian College of GPs President Michael Wright hindi lahat ay maba-bulk bill sa hinaharap dahil mababa pa rin ang patient rebates. Ibig sabihin ay hindi ito sapat upang mabayaran ang halaga ng pangangalaga.



