Kasama sa mga mala-alamat ng Philippine Basketball Association (PBA) na darating sa mga maagang pagdiriwang ng Pasko sa Sydney ang Top 40 Greatest Player ng PBA, Allan Caidic, Jerry Codiñera, Jojo Lastimosa at dating dalawang beses na MVP Willie Miller; ang apat na malalaking pangalan sa koponan ng Ginebra na sina Noli Locsin, Bal David, Vince Hizon at EJ Feihl, at enforcer na si Nelson Asaytono.
Nais mo bang higit na makalapit sa mga kilalang Pinoy na manlalaro ng basketball na ito? Maaari kang bumoto para sa iyong mga paboritong PBA Legends upang magkaroon ng pagkakataon na makapag-selfie sa iyong paboritong butuin ng basketball at isang pagkakataon upang manalo ng tiket upang mapanood ang mga ito na maglaro sa Legends 3x3 Allstar Battle sa Blacktown Leisure Center sa ika-13 ng Nobyembre.
Ang detalye kung paano bumoto at manalo ay ibinahagi ni Vida Aquino-Fernandez, tagapagtatag ng Association of Pinoy Student sa Australia (APSA).