Ngayong ika-27 ng Marso ang simula ng Perth - Manila direct flight at ang pagbabalik ng Melbourne - Manila direct flight ng isang airline habang inilatag naman ang mga bagong terminal assignment sa NAIA.
Key Points
- Inanunsyo ng Manila International Airport Authority ang mga bagong terminal assignment sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa gitna ng second phase ng Schedule and Terminal Assignment Rationalisation o STAR program.
- Ngayong araw Lunes ika-27 ng Marso ang simula ng direct flights ng Philippine Airlines sa pagitan ng Perth at Maynila.
- Ngayong ika-27 din ng Marso ang pagbabalik ng Melbourne to Manila flight ng Cebu Pacific na lilipad tatlong beses kada linggo.
Share




